Add parallel Print Page Options

At tatakluban pa nila ito ng magandang klase ng balat[a] at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.

“Sasapinan din nila ng asul na tela ang mesa na nilalagyan ng tinapay na iniaalay sa presensya ng Dios; at ilalagay nila sa mesa ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok, mga banga na lalagyan ng mga handog na inumin, at hindi aalisin ang mga tinapay na laging nasa mesa. Pagkatapos, tatakluban nila ito ng telang pula, at tatakluban pa ng magandang klase ng balat at pagkatapos ay isusuot ang mga pambuhat nito sa lalagyan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:6 magandang klase ng balat: maaaring ang ibig sabihin nito sa Hebreo, balat ng “dolphin”. Ganoon din sa talatang 8, 10, 11, 12, 14.